Rapist at Top 4 Most Wanted sa Jones, Isabela, Timbog sa Ifugao!

Jones, Isabela- Nakorner na ng mga alagad ng batas ang lalaking Top 4 Most Wanted sa bayan ng Jones, Isabela kagabi, Abril bente syete taong kasalukuyan sa barangay Alag, Aguinaldo, Ifugao.

Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Rodrigo Miguel, singkwentay otso anyos, may asawa, magsasaka at residente ng barangay Diarao, Jones, Isabela.

Si Miguel ay dinakip mula sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kaso nitong 3 counts na panggagahasa.


Bukod dito ay nakunan pa ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang suspek matapos itong mahuli.

Dinala na sa Crime Laboratory ng lungsod ng Santiago ang nakumpiskang shabu habang nasa kustodiya na ng PNP Jones ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Nahaharap ngayon sa Kasong Panggagahasa at Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments