Pagkakakilanlan ng babae na tumalon sa footbridge sa Mindanao Avenue, inaalam pa

Manila, Philippines – Patuloy pa din inaalam ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang pagkakakilanlan ng isang babae na tumalon sa footbridge sa Mindanao Avenue.

Ang nasabing biktima ay tinatayang nasa edad 34-40 anyos at may taas na 5’1”.

Kwento ng mga nakasaksi sa insdente, mabilis na umakyat sa footbridge ang biktima saka ito tumalon at bumagsak sa isang UV express.


Ayon naman sa mga opisyal ng baranggay, hindi residente sa kanilang lugar ang ginang at huli din nila itong nakitang naglalakad sa road-8, Bagong Pag-Asa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments