Nakikita ng mga eksperto na isang problema ngayon ang pagkakaroon ng long COVID.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert na dapat tutukan ang pagtugon sa long COVID upang maiwasan ang komplikasyon.
Ayon kay Solante, ang long COVID ay bahagi ng komplikasyon ng COVID-19 na karaniwang nagpapakita ng mga sintomas tulad ng hirap sa paghinga, memory loss at pagod na pakiramdam.
Mayroon din aniyang ilang pasyente ang nakarekober mula sa COVID-19 pero nakararanas ng komplikasyon sa puso at dumaranas ng pulmonary problem.
Mahalaga ani Dr. Solante na obserbahan ang sarili lalo na kapag may nararanasang hindi matanggal na pag-ubo at parang laging hapo.
Facebook Comments