Pagkasangkot at koneksyon ng ilang Tsino sa drug operations sa bansa, dapat isailalim sa malalimang imbestigasyon

Pinapaimbestigahan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) ang lalong nagiging lantaran na pagkasangkot sa iligal na droga ng ilang Tsino sa ating bansa at ang posibleng koneksyon nila sa pamahalaan.

Kinalampag ni Lacson ang PDEA AT DDB kasunod ng serye ng anti-illegal drug operations ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon City, Valenzuela City at Balagtas, Bulacan nitong Linggo, Agosto 1.

Sa nabanggit na operasyon ay nasa halos ₱1.5 bilyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam ng mga otoridad at napatay naman ang isang Chinese drug suspect, habang apat pang mga pawang Tsino rin ang naaresto.


Sinaluduhan ni Lacson ang PNP dahil sa naturang matagumpay na mga operasyon laban sa ilegal na droga.

Pero ayon kay Lacson, dapat ay halukayin ng DDB at PDEA ang ugat ng lakas ng loob ng Chinese nationals para magsagawa ng malawakang illegal drug trade sa Pilipinas.

Facebook Comments