Pagkuha ng license card 5 year validity sa LTO hindi na siksikan

Para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa tanggapan ng LTO Cotabato city ay binuksan sa publiko ni LTO-12 Chief for Operation Papacan Pacalundo ang dalawang LTO satellite office nila sa midsayap north cotabato at sa Nuling sultan kudarat maguindanao. Sa panayam natin kahapon kay Sir Pacalundo, sinabi nito na pwede ng kunin ng mga nagparenew noong nakalipas na taon ng 5 years validity ng drivers license cards sa dalawang nabanggit na LTO satellite office, habang sa mga taga cot.city ay sa ORG Compound pwedeng makuha. Nag-iisa lang kasi ang kanilang lamination machine kayat limitado lamang sa isang araw ang kanilang nalaminate..Kayat upang maiwasan ang siksikan ay pinayagan ang dalawang LTO office na magdistribute.Inihayag pa ni sir Papacan na 20,000 pa ang backlog ng plastic cards ditto sa siyudad.

Facebook Comments