Paglabag sa Health Protocol ng RHU Cabagan, Pinasinungalingan

Cauayan City, Isabela- Nilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na walang nangyaring paglabag sa ipinapatupad na health protocol makaraang akusahan ang isang doktor mula sa bayan ng Cabagan dahil umano sa ginawang pag-released sa isang OFW mula sa quarantine facility ng probinsya.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, nagsagawa ang taskforce ng imbestigasyon hinggil sa sitwasyon hanggang napag-alaman na walang nalabag na polisiya ang doktor dahil sa mga naipresentang dokumento.

Paliwanag ni Binag, nagkaroon ng inisyal na pagsasailalim sa swab testing ang isang buntis na OFW sa kalakhang maynila hanggang ang resulta ay nagnegatibo rin at sinunod din ang pagsasailalim sa 14-days quarantine.


Pagkarating ng Probinsya ng Isabela ay agad din itong sinuri at idinala sa provincial quarantine facilities sa bayan ng Echague kung saan muli na naman itong isinailalim sa swab test hanggang sa nagnetibo ang kanyang resulta kung kaya’t ipinasundo ito ng doktor gamit ang ambulansya ng RHU Cabagan kahit 6-araw lang ito sa pasilidad.

Agad ding isinailalim sa barangay quarantine facility ang OFW hanggang ilang araw ay nakaranas ito ng spotting o tumutukoy sa anumang pagdurugo mula sa vagina na hindi dulot ng regla kung kaya’t ini-refer ito sa isang OB-Gyn para masuri ngunit paglilinaw ng doktor ay walang kahit anong sintomas ng virus ang pasyente kaya’t minabuting i-release ito para masuri ang kanyang iniindang pagdurugo.

Batay sa isang facebook post, viral ang isang naging komento gamit ang facebook page ng ‘Barangay Casibarag Sur’

Matatandaang inakusahan si Municipal Health Officer Dr. Marivic Cortez sa ginawang pagrelease ng isang OFW na nakasailalim sa quarantine sa barangay Casibarag Sur sa bayan ng Cabagan.

Facebook Comments