PAGLALAGAY NG MGA CCTV SA MGA VOTING CENTERS SA REGION 1, IPINANAWAGAN

Ipinanawagan ni Police Regional Office 1 Regional Director PBGEN Westrimundo Obinque ang paglalagay ng mga CCTV sa mga voting centers gayong papalapit ang halalan 2022.
Sa programang Isumbong mo sa PRO1 sa IFM Dagupan, nakiusap ito sa bawat lokal na pamahalaan na kung maaari ay lagyan ng mga CCTV camera ang mga voting centers.
Aniya, malaking tulong ito upang mabantayan ang galaw ng tao at makita ang mga pangyayari sa darating na halalan sa Mayo.

Dagdag ng opisyal, alinsunod sa utos ng PNP Headquarters, kayang tugunan ng PRO1 ang pagdedeploy ng dalawang pulis sa kada voting centers bilang pagsisiguro na ligtas ang mga boboto dito.
Sa datos ng COMELEC Region 1, nasa 22, 329 ang voting precincts sa buong Region 1. | ifmnews
Facebook Comments