Paglalagay sa mas mataas na Alert Level ng bansa sa Mayo, hindi imposible ayon sa NVOC

Posibleng itaas muli sa mas mataas na Alert Level ang Metro Manila o ang ilang bahagi ng bansa sa Mayo kung magkaroon muli ng surge ng kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, inamin ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na hindi ito imposible lalo na kung mangyari ang pinangangambahang paglobo muli ng kaso ng COVID-19.

Pero bago ito mangyari ay pag-aaralan itong maigi ng mga eksperto at ng Inter-Agency Task Force (IATF) base na rin sa metrics na sinusunod ng pamahalaan.


Pagbibigay diin ni Usec. Cabotaje na ang talagang isinusulong ng pamahalaan sa ngayon ay ang de-escalation ng iba pang lugar sa bansa na nasa Alert Level 2 pa hanggang sa ngayon patungo sa new normal ng buong bansa.

Hindi naman aniya ito imposible lalo na kung mahigpit pa rin susundin ng lahat ang health and safety protocols at maitataas ang vaccination coverage partikular na ng vulnerable sector.

Facebook Comments