PINAKAMALAKING PAARALAN SA DAGUPAN CITY, SINIMULAN NA ANG FACE-TO-FACE CLASSES

Sinimulan na ang face-to-face classes sa Dagupan City National High School.

Ito ang pinakamalaking paaralan sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa DepEd Dagupan City Division nasa 1, 436 ang nagbalik eskwela mula sa Junior at Senior High School.

Ang mga ito ang siyang pinahintulutan ng kanilang mga magulang matapos ang higit dalawang taon na blended at modular ang ginagamit ng kanilang paaralan para sa pagtuturo.

Siniguro ng paaralan na maipatutupad ang minimum public health standard matapos ang kaliwat kanang simulation. | ifmnews

Facebook Comments