Pangulong Duterte, wala pang inaaprubahang IRR ng Department of Migrant Workers

88

Hindi pa inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, tanging draft pa lamang ang natatanggap ng Palasyo kaugnay sa IRR ng DMW.

Sa ngayon, patuloy pa aniyang naghihintay ang Malacañang ng mga komento hinggil dito.


Matatandaan na may dalawang bersyon ng IRR ang isinumite sa Palasyo na mula sa technical working group at kay DMW Sec. Abdullah Mama-o.

Facebook Comments