Pagmo-monitor ng mga aktibidad sa West Philippine Sea, siniguro ng DND

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na tuloy-tuloy ang kanilang pagmo-monitor sa mga aktibidad sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, ito ay sa pamamagitan ng lehitimong maritime at aerial patrols.

Sinabi ni Andolong na nag-deploy na rin ng mga tropa sa munisipyo ng Kalayaan na bahagi ng Spratly islands.


Ang pahayag ay ginawa ni Andolong matapos hingan ng komento ukol sa mga larawan ng mga artificial islands ng China sa WPS na lumbas sa isang Facebook post.

Sa mga larawan, kita ang mga paliparan at iba pang straktura na itinayo ng China sa mga ni-reclaim nilang lupain sa karagatan, bagama’t hindi malinaw kung ito ay mga bagong gawa.

Una nang iniulat ni US Indo-Pacific commander Admiral John Aquilino noong Marso na tinayuan ng China ng mga military facilities ang tatlong artificial islands sa Mischief Reef, Subi Reef at Fiery Cross reef sa WPS.

Facebook Comments