Operasyon ng MRT-3 sa panahon ng Undas 2022, walang pagbabago

Inanunsyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na walang pagbabago sa kanilang operasyon sa panahon ng Undas 2022.

Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar Jr., regular holiday o weekend schedule ang kanilang operasyon ang kanilang mga tren.

Simula October 29 hanggang November 1, ang unang biyahe ng tren sa North Avenue Station ay simula alas-4:38 ng umaga at alas-5:19 naman mula sa Taft Avenue Station.


Samantala, alas-9:30 ng gabi naman ang huling biyahe mula sa North Avenue Station at alas-10:19 naman ng gabi mula sa Taft Avenue Station.

Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar Jr., kasado na ang pagpapatupad nila ng “Oplan Biyaheng Ayos” para sa Undas.

Ani Canar, sapat ang bilang ng mga kawani nilang nakatalaga upang siguraduhing tuluy-tuloy ang serbisyo at mahigpit na maipapatupad ang minimum public health standards kontra sa COVID-19.

Bawat istasyon ay mayroong public address system at Commuter Welfare Desk.

Ipinaalala rin ng pamunuan ng MRT-3 ang pagsunod sa “7 Commandments” para sa mga mananakay ng tren.

Facebook Comments