Pagpapabakuna ng ilang government officials, dinipensahan ng Vaccine Czar

Nilinaw ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na hindi maituturing pagsingit sa pila ng prayoridad na mababakunahan ang ilang government officials na naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Galvez, ang pagpapabakuna ng ilang government officials ay paraan para maitaas ang tiwala ng publiko sa vaccination program.

Aniya, wala silang nakikitang paglabag hinggil dito at mas nakatutulong pa sila na maikalat ang kamalayan sa immunization program.


Mas hinihikayat pa nla ang mga alkalde, mga barangay captains na magpabakuna.

Dagdag pa ni Galvez, ang lahat ng bakunang inilabas sa cold storage facility ay kailangan agad magamit para hindi ito masayang.

Gayumpaman, tiniyak ni Galvez na nananatiling prayoridad ang vaccination sa 1.7 million healthcare workers.

Bukod kay Galvez, nabakunahan na sina MMDA Chairperson Benhur Abalos, Testing Czar Vince Dizon, at FDA Director General Eric Domingo.

Facebook Comments