PAGPAPAIGTING NG HEALTH CARE SYSTEM SA PANGASINAN, TINUTUTUKAN

Nagsagawa ng Unit Testing Seminar and Training ang Pangasinan Hospital System (PHS) para sa pagkakaroon ng mas maganda at maayos na sistema sa labing apat na ospital ng probinsya.
Dito ay pinangunahan ni Provincial Hospital Administrator Dr. Dalvie A. Casilang ang aktibidad kasama ang mga chief of hospital at empleyado ng community at district hospitals na inaral kung paano magiging digital at hi-tech ang hospital and patient’s data.
Nagpamahagi rin ng tig-isang computer set sa bawat ospital ng probinsya na gagamitin upang mapaigting ang serbisyong medikal.

Matatandaan na inaprubahan ang pagtatatag ng Pangasinan Hospital System ng Sangguniang Panlalawigan na naglalayong mas matutukan ang medikal na pangangailangan ng mga Pangasinense. |ifmnews
Facebook Comments