
Pinalalakas na rin ng Department of Tourism (DOT) ang turismo sa Kalinga Province.
Kaugnay nito, sinimulan na ng DOT ang pagsasanay sa mahigit 700 tourism workers.
Kasabay rin nito ang pagpapabuti ng connectivity patungo sa mga heritage village at natural sites.
Sa ngayon, maaaring puntahan ang Kalinga sa pamamagitan ng long-distance bus rides mula Manila.
Kung nais naman ng turista ng air connectivity, maaari silang sumakay ng eroplano mula Manila patungong Tuguegarao o Cauayan, at pagkatapos ay bumiyahe sa land travel patungong Kalinga.
Facebook Comments










