Kalibo, Aklan — Pansamantalang ipinagbabawal ang pagpapapasok ng mga poultry products, domestic at wild birds sa probinsya ng Aklan.
Ito ay sa pamamagitan ng inilabas na Executive Order No. 012 Series of 2022, ni Aklan Governor Florencio T. Miraflores kung saan inaatasan nito na magsagawa ng routine quarantine inspection sa mga sasakyan na papasok sa probinsya ang mga Veterinary Quarantine personnel na nakatalaga sa mga provincial ports at borders.
Pahihintulutan lamang na makapasok sa probinsya ng Aklan ang mga poultry products na galing sa Western Visayas at may kumpletong Veterinary Quarantine Documents.
Kukumpiskahin naman ang mga produktong ipinagbabawal na pilit ipuslit papasok ng Aklan.
Ang nasabing direktiba ay inilabas ni Gov. Miraflores para na maiwasang makapasok ang Bird Flu o Avian Influenza sa probinsya.
Kung matandaan na ang nasabing virus ay pumatay na ng higit 42, 000 na mga pugo at pato sa apat na lugar sa Central Luzon.
Tatagal ito nang hanggang 30 araw.

Facebook Comments