Pagpapawalang-bisa sa UP-DND Accord, pwede ipagpaliban

Naniniwala si Committee on National Defense and Security Chairman Senator Panfilo “Ping” Lacson na may mga pangyayari na pwedeng pagbatayan para ipagpaliban muna ang pagpapawalang-bisa ng 1989 agreement sa pagitan ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND).

Sinabi ito ni Lacson makaraang lumabas na mali ang mga nakasaad sa listahan ng mga estudyante ng UP na di umano’y naging miyembro ng New People’s Army (NPA) at napatay sa pakikipagsagupaan sa militar.

Paliwanag ni Lacson, lumalabas na base sa maling impormasyon ang naging basehan ng DND para i-terminate ang kasunduan, dahil ang mga nasa listahan nila na di umano’y nahuli o napatay ay buhay at malaya pa pala.


Sa kabila nito ay iginiit naman ni Lacson na dapat bigyan ng kredito ang paghingi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ng paumanhin kaugnay sa mga pagkakamali sa nabanggit na listahan.

Facebook Comments