Labis na ikinalungkot ni KABAYAN Partylist Rep. Ron Salo ang umano’y pagpatay ng isang Filipina Household Service Worker sa isang bata sa Kuwait.
Ayon kay Salo, ang nabanggit na insidente ay patunay sa pangangailangang maisabatas agad ang House Bill No. 8951 o panukalang Magna Carta of Migrant Workers.
Sa ilalim ng panukala ay titiyaking physically at psychologically fit ang mga overseas filipino workers (OFWs) upang matiyak na kakayanin nila ang trababo at anumang hamon na kakaharapin sa ibayong-dagat.
Kaugnay nito ay pinapatiyak ni Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na maibibigay ang lahat ng tulong lalo, na ang legal support na kailangan ng naturang HSW sa Kuwait.
Umaasa rin si Salo na hindi makaaapekto ang pangyayari sa migration policies sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.