Pagrepaso sa National Building Code, hiniling ng isang kongresista

Isinusulong ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang pag-update o pagrepaso sa National Buidling Code ng bansa.

Ang hirit ng kongresista ay dahil na rin sa malaking pinsalang natamo sa imprastraktura sa Visayas at Mindanao dahil sa Bagyong Odette.

Ayon kay Herrera, kailangan ng bansa ng mga kabahayan at komunidad na matatag laban sa bagyo, pagbaha, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang uri ng kalamidad.


Kung hindi kasi aniya mababago ang building code at panuntunan sa itinatayong mga gusali ay paulit-ulit lamang aniya itong masisira kada may tatama na kalamidad.

Sa mga bahay pa lamang ay aabot na sa 108,000 houses ang totally damaged dahil sa Bagyong Odette.

Facebook Comments