Maari pang awatin ang plano ng Dept of Interior and Local Government o DILG na pagsasapubliko ng narco list sa susunod na linggo.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, pwedeng maghain sa korte ng petisyon ang sinumang kandidato laban sa hakbang ng DILG.
Sabi ni Drilon, ito ay para hilingin ang paglalabas ng temporary restraining order o TRO na pipigil sa paglalabas ng narco list.
Ipinaliwanag ni Drilon na pwedeng igiit na ang paglalantad ng narco list ay maituturing na grave abuse of authority, walang due process at posibleng makaapekto sa kandidatura ng mga kasama sa listahan.
Facebook Comments