Mula kahapong alas sais ng umaga ay nag-umpisa ng ipinatupad ng sultan kudarat maguindanao MPS ang rerouting sa cotabato davao hiway may kaugnayan sa Bangsamoro general Assembly sa Old Capitol Simuay.
Sinabi ni Sultan Kudarat Deputy chief of Police Inps.Karen Flores, na magde-detour sa crossing Pinaring ang mga ligth vehicle na lulusot sa barangay Panatan at barangay Alamada, Anya meron naman signage na inilagay sila at tinambakan narin ang malambot na kalsada.
Noong sabado pa lamang ay ramdam na ang mabigat na daloy ng trafic sa barangay macaguiling pa lang hanggang sa simuay, kayat habaan na lamang daw ang pasensiya sa mabigat na traffic…Ang malalaking sasakyan ay sa cotabato davao hiway parin dadaan.
Samantala maging one way sa motorista ang portion ng munisipyo ng sultan kudarat hanggang sa Lamsan, at sa DPWH maguindanao motorpool at sa simuay bridge hanggang sa junction, itoy gagawin umanong parking area ng mga dadalo sa assembly ayon pa kay Insp.Karen Florez ang deputy COP ng Sultan Kudarat PNP.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpaparada ng single motorcycle sa naturang mga lugar. Nagtutulungan narin ang ibang municipal police station sa kanila sa pangangalaga sa daloy ng trapiko….
Inaasahan ang pagdalo bukas ni pangulong Rodrigo Duterte sa Bangsamoro Assembly.
Pagsikip ng daloy ng trapiko naramdaman na papunta sa venue ng Bangsamoro Assembly
Facebook Comments