Mas pinaigting ng ang kampanya laban sa mga sasakyang gumagamit ng open pipe at modified muffler sa Urbiztondo bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan sa lansangan.
Sa pangunguna ni hanay ng Urbiztondo Police Station, nagsasagawa ang kapulisan ng mas mahigpit na operasyon upang sitahin ang mga sasakyang nagdudulot ng labis na ingay na nakaaabala sa publiko at maaaring makaapekto sa kaligtasan ng mga motorista at residente.
Pagpapanatili rin umano ito ng kaayusan at kaligtasan sa kalsada, mabawasan ang polusyon sa ingay, at matiyak ang pagsunod ng mga motorista sa umiiral na mga batas at regulasyon kaugnay ng tamang paggamit ng exhaust system.
Kasabay nito, muling pinaalalahanan ng awotridad ang lahat ng motorista na gumamit lamang ng standard at aprubadong tambutso upang makaiwas sa paglabag sa batas at sa kaukulang multa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










