Nakapagtala ang grupo ng mga pribadong ospital sa bansa ng bahagyang pagtaas ng bilang ng hospital admissions kamakailan dahil sa COVID-19.
Ngunit sinabi ni Private Hospital Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) President Dr. Jose de Grano na ang naitalang pagtaas sa admission ay manageable pa sa ngayon.
Ayon kay De Grano, hindi nababahala ang kanilang mga miyembro sa pagtaas ng symptomatic patients na naoospital dahil sa hindi naman ito umiinda ng malalang kaso ng sakit.
Matatandaang nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases sa buong bansa batay sa kanilang weekly update.
Sa kabila nito, mahigpit pa ring binabantayan ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng kaso ng Omicron subvariants na BA.2.12, BA.2.12.1 at B1.4 na sinasabing mas nakakahawa kumpara sa orihinal na variant ng Omicron.