DOH, nakapagtala ng 199 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa

62

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 199 panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito ay umakyat na sa 3,690,055 ang kabuuang kaso na naitala nang magsimula ito magkaroon sa bansa.

Sa bilang na 199 na bagong kaso na naitala ay 97 dito ang nagmula sa Metro Manila.


Umakyat naman sa 3,627,166 ang total COVID-19 recoveries matapos makapagtala ng panibagong 178 na gumaling sa virus kahapon.

Kaugnay nito, umakyat nang bahagya sa 2,434 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa ngayon.

Good news dahil nananatili na sa 60,455 ang COVID-19 death tally matapos walang maitalang bagong nasawi dahil sa sakit.



Facebook Comments