PAGTAAS NG NAKAGAT NG RABID NA ASO, AALAMIN NG SP AKLAN

Kalibo, Aklan – Magsasagawa ng legislative inquiry ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan para alamin ang katotohanan ukol sa balitang pagtaas ng kaso ng mga nakagat ng rabid na aso dito. Ayon kay SP Member Nemesio Neron, nakatanggap umano ng sulat ang kanyang opisina na nagsasabing tumaas aniya ang numero ng mga nakagat ng asong ulol sa Aklan. Dahil dito iimbitahan ng Committee on Health at Committee on Laws, Rules and Ordinances ng SP Aklan ang taga Provincial Veterinary Office ganoon din ang taga Animal bite Clinic ng Provincial Hospital sa isang meeting, para alamin ang katotohanan at ng makagawa sila ng hakbang para masolusyunan ang nasabing problema. Hindi na umano hahayaan pa ng Sanggunian na maging problema pa ang rabies sa Aklan, lalo na’t sa ngayon unti-unti ng bumabangon ang lalawigan laban sa Covid -19 Pandemic at sa epekto ng African Swine Fever o ASF.
Facebook Comments