MGA TURISTANG BUMISITA SA ISLA NG BORACAY NITONG AGOSTO HALOS UMABOT SA 200K

Malay, Aklan – Halos umabot na sa 200K ang naitalang mga turista na bumisita sa isla ng Boracay nitong buwan ng Agosto. Base sa tala ng Malay-Boracay Tourism Office naitala ang 178,589 na mga turista. Sa nasabing numero, 138,819 ang domestic tourists, 1,780 ang OFW/OF’s at 37,990 ang foreign tourists.
Facebook Comments