
Hindi hinuhusgahan ng Malacañang ang panukalang inihain ni Senador Risa Hontiveros na Senate Bill 1979 o ang Adolescent Pregrancy Prevention Act.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, dapat daw tingnan ni Senator Risa Hontiveros ang komento ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa kontrobersyal na Senate Bill No. 1979 bilang opinyon ng isang magulang.
Karaniwan lang aniya ang pagiging broad ng mga salita kaya kahit itinatanggi ni Hontiveros na walang kinalaman sa pagtuturo ng masturbation ang kanyang orihinal na panukala, posibleng ganito ang connotation ng nabasa ng pangulo.
Gayunpaman, mainam na bigyan muna si Pangulong Marcos ng pagkakataon na mabasa ang bagong bersyon ng Senate Bill bago muling hingan ng komento sa isyu.
Welcome rin aniya sa Malacañang ang paghahain ng senadora ng substitute bill para sa naturang panukala.