
Ihahain na ngayong alas-3:00 ng hapon ng Malacañang sa Department of Justice ang reklamo laban sa ilang personalidad na umano’y nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tatlo ang target sampahan ng kaso, pero hindi pa muna pinapangalanan hangga’t hindi pa naihahain ang reklamo.
Nitong Lunes, April 13, 2026 mismong si Pangulong Marcos na ang nagsabing walang katotohanan ang mga kumakalat na espekulasyon.
Nag-jumping jack pa ang pangulo at tumakbo upang patunayang maayos ang kanyang kalagayan.
Facebook Comments










