Pahayag ng Pangulo na hindi kayang resolbahin ng isang termino ang operasyon ng iligal na droga sa bansa, ipinagtanggol ng Palasyo

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng MalacaƱang na ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng hindi kayanin ng kanyang termino ang pagresolba sa problema sa iligal na droga sa bansa ay isang patunay lamang na malalim talaga ang problemang ito.

Sinabi kasi ni Senador Richard Gordon na nagulat siya sa naging pahayag ng Pangulo sa isyu sa kabila naman ito ng pangako ng Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kung ibabase sa mga pahayag ng Pangulo ay makikita ang tunay na lalim at lawak ng problema ng bansa sa operasyon ng iligal na droga na hindi maaaring resolbahin ng mabilis.


Sinabi din ni Abella na ito ang dahilan kung bakit dapat ay ipagpatuloy pa ang anti-drug campaign ng pamahalaan at dapat suportahan ito ng mamamayan.

Facebook Comments