
Binigyang-diin ang pakikibahagi at responsibilidad ng kabataan sa komunidad sa isinagawang Youth Camp sa Alaminos City na dinaluhan ng mga criminology students sa isang kolehiyo sa lungsod.
Pinangunahan ng 1st Pangasinan Provincial Mobile Force Company ang nasabing aktibidad na naglalayong gabayan at bigyang inspirasyon ang mga kalahok upang maging responsable, disiplinado, at may malasakit sa komunidad.
Sa pamamagitan ng gawain ay pinatatatag rin ang ugnayan ng kabataan at ng Philippine National Police sa pagsusulong ng kapayapaan, kaligtasan, at pag-iwas sa krimen.
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong at suporta ng lokal na pamahalaan at sa presensya ng mga panauhing pandangal mula sa iba’t ibang ahensya at sektor.
Ayon sa mga lokal na pamahalaan, patunay ang Youth Camp ng patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, kapulisan, at komunidad sa paghuhubog ng kabataan bilang mga responsableng mamamayan at katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










