Palasyo, ikinalugod ang resulta ng pinakabagong survey ng OCTA Research Group

Natutuwa ang Palasyo sa magandang resulta ng survey na isinagawa kamakailan ng OCTA Research Group na pinamagatang “Tugon ng Masa National Survey”.

Highlight nito ang dalawang mahahalagang puntos kung saan una ay bumaba pa sa 5% ang COVID-19 vaccine hesitancy sa adult Filipinos at nasa 2% na lamang ng adult Filipinos ang tinamaan ng COVID-19 makaraan silang makakuha ng dalawang doses ng bakuna o ‘yung mga fully vaccinated.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, nangangahulugan lamang ito na epektibo at nakapagbibigay ng proteksyon ang mga bakuna anuman ang brand nito.


Susi rin ani Nograles ang bakuna upang makabalik tayo sa normal na pamumuhay.

Base sa datos as of January 26, 2022, nasa higit 125 milyong bakuna na ang naiturok sa buong bansa kung saan 58.1-M Filipino na rin ang fully vaccinated.

Kumpyansa naman ang pamahalaan na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon ay nasa 90-M mga Pinoy na ang fully vaccinated sa pamamagitan ng iba’t ibang kampanya upang maitaas ang vaccination rate ng bansa tulad ng “Resbakuna sa Botika” Drive gayundin ang “We Vax as One Mobile Vaccination Drive for Transport Workers”.

Facebook Comments