Palawan, kabilang sa World’s Top 25 Island

35

Muli na namang napabilang ang isla ng Palawan sa World’s Top 25 Islands.

Ayon sa international travel magazine na Travel plus Leisure, nasungkit ng Palawan ang ika-19 na pwesto matapos makalikom ng 88.63 na puntos.


Nanguna naman sa listahan ang Milos Island at pangalawa ang Folegandros na parehong mula sa Greece at pangatlo naman ang St. Vincent at ang Grenadines na matatagpuan sa West Indies.

Una nang napili ang Palawan bilang pinakamagandang isla sa mundo noong taong 2013, 2016 at 2017.

Facebook Comments