Paligid ng Quiapo Church, malinis sa mga vendor

Pansamantalang tinanggal ang lahat ng nagtitinda sa paligid ng Quiapo Church bilang bahagi ng paghahanda sa kapistahan ng Jesus Nazareno ngayong 2026.

Ayon kay Raffy Alejandro, hepe ng Manila Hawkers, isinagawa na kagabi ang clearing operations para sa mga vendor.

Ito’y upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng mga deboto sa mga pangunahing kalsada na daraanan at pupuntahan ng mga sasama sa Traslacion.

Ilan sa mga inalis ay ang mga vendor na nakapwesto sa mga bangketa at kalsada sa paligid ng Quiapo Church, partikular sa Villalobos Street, Carriedo, at sa Evangelista Street.

Ito ang mga lugar na inaasahang daragsain ng mga deboto bago at sa mismong araw ng Kapistahan ng Jesus Nazareno.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na pansamantala lamang ang pagpapatupad ng pagbabawal at ibabalik ang mga vendor matapos ang mga aktibidad kaugnay ng Traslacion 2026.

May ilang pasaway na nagtitinda ang sinita ang sinita at binalaan ng Manila Police District (MPD) dahil sa bumabalik ang mga ito kapag nakakalayo ang mga awtoridad.

Facebook Comments