
Kumpiyansa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mapapanatili ang employment condition ng mga Pilipino.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na malaki ang maitutulong ng mga aktibidad na may kaugnayan sa mga political exercises sa paglikha ng dagdag na hanapbuhay.
Nakatutok din aniya ang DOLE sa mga pangmatagalang plano para sa sektor ng paggawa at empleyo.
Bukod sa Philippine Development Plan 2023-2028, nakalatag din ang Labor and Employment Plan 2023-2028 ng DOLE na pormal na isinama sa Trabaho Para sa Bayan Plan sa ilalim ng Trabaho Para sa Bayan Act.
Ang planong ito ay may tatlong bahagi kung saan may isang three-year, six-year, at ten-year plan na layong tugunan ang mga pagbabago at hamon sa pandaigdigang merkado ng paggawa.
Samantala, tinututukan din ng ahensya kada taon ang mga umuusbong na trabaho at pagbabago sa industriya upang mabilis na makaangkop, kasama rito ang pagpapalakas ng employability para sa kabataan.