
Posibleng mahirapan na dinggin ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang 2025 midterm elections.
Ito’y kung magbabago ang mga nakaupong kongresista sa Kamara.
Sa Kapihan sa Manila Bay, ipinaliwanag ni dating Supreme Court Associate Justice Adolph Azcuna, nakasaad sa Konstitusyon na kung sino ang naghain ng impeachment complain ay sila dapat ang mangunguna rito.
Aniya, hindi na maaaring maghain ng magkasunod na impeachment complaint sa isang taon lalo na sa 20th Congress dahil lalabag ito sa Saligang Batas kung saan dapat na itong umpisahan ngayon pa lamang.
Sinabi naman ni Atty. Amando Virgil Ligutan ng UP College of Law at co-author sa ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara, hindi naman dapat magpatawag ng special session dahil ang inihain reklamo ay dapat na dinggin at nakasaad sa Konstitusyon.
Giit ng abogado, nakapag-acquire na ang Senado ng jurisdiction at sila na ang bahala na ipagpatuloy ang impeachment trial kahit pa magbago ang nakaupo sa House of Representatives.