Pamahalaang Local ng Santiago City, Namahagi ng mga upuan at TV Sets!

*Santiago City-* Masayang tinanggap ng mga paaralang elementarya at sekondarya ang mga television sets at mga upuan na ipinamahagi ng pamahalaang local ng Lungsod ng Santiago.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Mayor Joseph Salvador Tan sa naging panayam ng RMN Cauayan makaraang pangunahan ang pamamahagi ng mga gamit sa mga paaralan.

Aniya, bahagi ito sa suporta ng LGU Santiago City bilang tugon sa kahilingan ng Kagawaran ng Edukasyon sa Lungsod ng Santiago.


Sa pamamagitan nito ay matutulungan anya ang mga mag aaral na makapag-aral ng mabuti.

Umaabot naman sa mahigit kumulang na anim na libong upuan at mahigit apatnaraang TV Sets naman ang naipamahagi sa mga paaralan.

Facebook Comments