PAMAMARIL | Barangay chairman, patay nang pagbabarilin sa Tanza, Cavite

14

Cavite – Patay ang isang barangay chairman matapos na pagbabarilin sa Tanza, Cavite.

Nakilala ang biktima na si Leonilo Arbonido, 56-anyos at chairman ng Barangay Julugan VI.

Binaril ang nasabing biktima ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo habang nasa loob ito ng kanilang sari-sari store.

Hindi naman nakuha ng mga testigo ang plate number ng motorsiklo kung saan sakay ang mga suspek kaya at patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang imbestigasyon ng Cavite PNP para malaman ang motibo sa insidente.

Facebook Comments