Kalibo, Aklan— Umapela ng dasal at suporta ang pamilya ni Miss Christelle Anjali Abello, Aklanon contestant ng Miss Universe Philippines sa nalalapit na coronation night sa October 25. Ayon kay Mr. Crispin Reymund Gerardo tiyuhin ni Christelle na abala at excited na ang kanyang pamangkin para sa pageant. Aniya na hilig talaga ng dalaga ang paglahok sa mga beauty pageant kung saan habang nasa America ito ay sumasali rin ito sa mga patimpalak at nakoronahan. Tinapos umano ni Christelle ang kanyang pag-aaral sa US at sa pagbalik nito sa bansa ay naging kalahok rin ito sa mga kilalang pageant. Nananalangin rin ito na sana ay makuha ng kanyang pamangkin ang korona ng Miss Universe Philippines para isang Aklanon ang magrerepresenta ng bansa sa prestihiyusong patimpalak. Napag-alaman na taga Brgy. Tigayon Kalibo ang ama ni Christelle at isang retired US Marine habang isang Caviteña naman ang ina nito. Bagamat ipinanganak at lumaki sa America, malapit ang puso nito sa Aklan dahil isang Aklanon ang ama nito. Sa ngayon nananalangin si Mr. Gerardo na sana ay manalo sa nasabing patimpalak ang 26 na taong gulang na pamangkin nang sa gayon ay maghatid ito ng inspirasyon at karangalan sa lalawigan.
Pamilya ng Aklanon na pambato sa Miss Universe Philippines pageant umapela ng dasal at suporta
Facebook Comments