Pamilyang Pacquiao sa Gensan- No Comment muna sa isyung planong pagtakbo ni Senador Manny sa pagka-Pangulo

General Santos City- No Comment at di nagbigay ng anumang komento ang pamilya ni Senador Manny “PAcman” PAcquiao hinggil sa naglabasang isyu na plano ng senador ang pagtakbo nito sa pagkapangulo sa 2022 Presidential Elections kapalit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tikom ang bibig ng pamilyang Pacquiao pero sinisiguro nilang suportado nila ang ano mang plano ng kapamilyang si Senador Manny sa buhay pulitika nito.

Napag-alaman na muling lumabas ang mga balita sa planong pagtakbo nito sa halalan sa pagpangulo, sa pamamagitan ni coach Freddie Roach, bagamat mariing itinanggi ng Senador.


Hati naman ang naging reaksyon ng mga taga Gensan sa nasabing plano. May mga nagsabing kailangan pa ng masusing pagsasanay si Pacman sa pagpapatakbo ng bansa, at iilan naman ang nagsabing kaya na nitong gampanan ang pagka-pangulo.

Facebook Comments