Thursday, May 7, 2026

DSWD at TNC, nagkasundo para sa ikakasang cash relief assistance pay-out para sa mga benepisyaryong hindi pa nakakapag-claim ng ayuda

Nagkasundo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD at mga Transport Network Company na mismong TNC ang mag aasikaso ng ikakasang cash relief assistance pay-out para sa mga tsuper, service delivery at MC Taxi riders, TNVS, at TNC na hindi pa nakakatanggap ng Fuel Subsidy.

Ayon kay DSWD Assitant Secretary and Spokesperson Irene Dumlao, ang TNC mismo ang maghahanap ng lugar o venue kung saan ihihimpil ang nasabing payout, kailan ikakasa, apaano ang magiging sistema ng pamamahagi, at TNC na rin ang mag aabiso sa mga benepisyaryo.

Para rin masigurong malinis at hindi na mauulit ang kalituhan at pagkakadoble-doble ng pangalan ng mga benepisyaryo, ang TNC na mismo ang magbibigay ng pangalan at plate number ng mga driver na sakop nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para i-certify, habang papasok naman sa eksena ang DSWD sa mismong pay-out centers para ipamahagi sa nasa masterlist ang nasabing ayuda.

Sa ngayon, wala pang maibigay na eksaktong petsa ang DSWD kung kailan ikakasa nag nasabing pay-out pero posible umano itong simulan sa May 13.

Facebook Comments