Friday, January 23, 2026

Pampasaherong jeep at SUV, nagsalpukan sa bahagi Sumulong Highway; ilang pasahero, sugatan

Sugatan ang ilang pasahero matapos na magsalpukan ang isang pampasaherong jeep at SUV sa bahagi ng Sumulong Highway sa Antipolo, Rizal.

Ayon sa jeepney driver na si Alonzo Preza, nasa 24 umano ang sakay ng kanyang jeep na patungo sanang Cubao, habang ang SUV naman na kanyang nakasalpukan ay patungong Antipolo.

Kwento ng driver, nag-counterflow umano ang SUV kung kaya ito bumangga sa kanyang pinapasadang jeep.

Sa ngayon dinala na sa pinakamalapit na ospital ang sugatan na pasahero na hindi bababa sa lima.

Samantala, sa panig naman ng driver ng SUV sinabi nitong nag-cut o nang-agaw mano ng linya ang driver ng jeep kaya sila nagkabanggaan.

Sakay ng SUV ang kanyang kasintahan at barkada nito na paakyat sanang Antipolo.

Sa ngayon mabigat na daloy ng trapiko ang nararanasan sa lugar.

Facebook Comments