PANALO ‘TO | Pinakamalaking tasa ng tsaa, muling nasungkit ng Dubai

Panghimagas – Muling nasungkit ng dubai ang bagong world record matapos gawin doon ang pinakamalaking tasa ng tsaa sa buong mundo.

Nasa 120 Chefs ang nagtulong tulong sa paggawa ng napakalaking tasa ng may 3.66 metro ang taas at 1.42 metro ang lawak ng bunganga.

Para mapuno ang dambuhalang tasa, gumamit ang mga chef ng 155 kilo ng tea leaf powder, 250 kilo ng milk powder, 360 kilong asukal, at iba pang mga pampalasa katulad ng luya at cinnamon.


Inihalo ang mga sangkap sa 5,000 litrong tubig bago ito isinalang sa apoy.

Facebook Comments