Kalibo, Aklan— Nirelieved na ng pamunuan ng Aklan Police Provincial Office o APPO ang limang pulis na responsable sa pambubugbog umano kay Patrolman Rommel Magsusi na naka assign sa 2nd Aklan Provincial Mobile Company (APMC) sa bayan ng Buruanga. Ito ang kinumpirma ni PSGGT Jane Vega PIO ng APPO sa panayam ng RMN DYKR Kalibo. Aniya na ipinag-utos ni provincial director PCol. Ramir Perlas na irelieve sina Patrolman Ritchel Tolentino, Police Corporal Richie Lustica, Patrolman Christian Solanoy, Police Corporal Roque Lurca and Patrolman Ruel Cuales mula sa 2nd APMC papunta sa 1st Mobile Force Company sa bayan ng Libacao kasunod ng reklamo ni Patroman Magsusi ng panggugulpi umano ng lima sa kanya. Dagdag pa nito na ang naturang hakbang ay ginawa para maiwasang maimpluwensiyahan ang isinasagawang imbestigasyon ng National Police Commission o NAPOLCOM. Sinabi rin ni PSGT. Vega na normal lamang ang mga reception rites dahil tradisyon na ito sa mga baguhang papasok sa mga PNP Units kung saan tanging physical exercises lamang ang isinasagawa at mahigpit na pinagbabawal ang pambubugbog. Napag alamang iniharap sa tanggapan ni Atty. Joseph Celis ng Naplocom Region 6 ang nasabing mga police officer noong May 18, 2021 para sa initial investigation. Sa ngayon ay nahaharap ang lima sa kasong administratibo at paglabag sa Anti Hazing law o Republic Act No. 8049.
Pananakit ng limang pulis sa kapwa pulis sa Buruanga, hindi kukunsentihin ng Aklan PPO
Facebook Comments