Pangalan ng NAIA, hindi na kailangang palitan

Iginiit ni Senator Rosa Hontiveros na hindi na kailangang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Katwiran ni Hontiveros na hindi naman ito nagdudulot ng kalituhan sa ating mga kababayan at sa mga dayuhan na bumibisita.

Ayon kay Hontiveros, dapat ay maging mas malinaw sana ang batayan ng mga panukalang inihain sa Kamara na ipangalan ang NAIA kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.


Giit ni Hontiveros, hindi dapat burahin ang mga pamana at paalala sa atin ng People Power.

Paliwanag ni Hontiveros, isinabatas na NAIA ang magiging pangalan ng airport bilang paalala sa buong mundo sa kabayanihan ni Ninoy Aquino at ng lahat ng mga Pilipino noong panahon ng People Power Revolution.

Diin pa ni Hontiveros, ang kamatayan ni Ninoy sa airport na yan ang isa sa nagsilbing mitsa sa pagpapabagsak ng diktatura at sa tuluyang pagkakaisa ng bansa tungo sa demokrasya.

Dagdag pa ni Hontiveros, napakahaba ng panahong gugugulin ng panukalang ito sa Kongreso, kaya dapat ay sulitin nilang mga mambabatas ang panahon na yan para sa mga panukalang mas tutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.

Facebook Comments