PANGASINENSE WAGI 6/42 MEGA LOTTO JACKPOT PRIZE

35
Tumataginting na 51, 412, 148 pesos ang iuuwi ng isang Pangasinense mula sa bahagi ng Eastern Pangasinan partikular sa bayan ng San Quintin matapos nitong mapanalunan ang 6/42 Mega Lotto jackpot prize na may combination number na 07-22-19-20-40-10.
Saad ng PCSO upang makuha ang nasabing premyo kailangang dalhin nito ang winning ticket at valid ID.
Ang Philippine Charity Sweepstake office o PCSO ay isang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng tulong pinansyal pagdating sa serbisyong medikal, health programs at charity programs ng gobyerno.

Samantala, nagpaalala naman ang ahensya na kapag umabot ng isang taon na hindi ito nakuha ay idedeklara itong ‘forfeited’. | ifmnews
Facebook Comments