Manila, Philippines – Para hindi na mangialam.
Ito ang idinahilan ng Palasyo ng Malacañang kung bakit nagdesisyon ang pamahalaan na huwag nang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa European Union.
Kaninang madaling araw kasi ay pormal nang sinabi ng Pilipinas sa EU na hindi na tatanggap ng tulong pinansiyal ang bansa na aabot naman sa humigit kumulang 250 milyong euros o katumbas ng mahigit 278 million US dollars na katumbas naman ng mahigit 13 bilyong piso.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, isang independent nation ang Pilipinas, kaya aniya itinigil ang pagtanggap ng tulong pinansyal ay upang hindi na makapanghimasok sa panloob na usapin ng bansa ang EU.
Matatandaan na makailang beses din bumanat si Pangulong Duterte sa EU dahil sa panghihimasok umano nito sa war on illegal drugs ng administrasyon.
DZXL558