Pangulong Duterte, handang makipagbuno sa mga mayayaman para isulong ang kapakanan ng bawat Pilipino

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang banggain ang mga mayayaman para matupad ang kanyang misyong isulong ang pagbabago para sa bansa na makakapagbigay ng komportableng pamumuhay sa mga Pilipino.

Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na hangad niya para sa bansa na magkaroon ng mga Pilipino ng maginhawang buhay.

“I saw them as reachable through the institution of reforms and radical changes in both the structure of government and the mode of governance – changes designed [to yield] responsibility [and] accountability. All in consonance with the truth that public office is a public trust,” sabi ng Pangulo.


Subalit aminado ang pangulo na hamon ito sa kanya lalo na at limitado lamang ang panahong iginawad sa kanya ng Konstitusyon.

“I suppose – knew the gravity [and] enormity of the problems that the country was facing. And precisely because of that awareness, I was driven to hasten the implementation of changes which I believed the country needed, keeping in mind that the Constitution afforded me only six years to make those changes happen,” dagdag pa ng pangulo.

Idinagdag pa ni Pangulong Duterte, ang anim na taong terminong ibinigay sa kanya ay pakikipagbuno lamang sa mga mayayaman at maimpluwensyang tao sa bansa sa hangaring matupad ang kanyang pangako sa bansa sa kabila ng mga kinakaharap na kritisismo.

Matatandaang ipinagmamalaki ni Pangulong Duterte na naging matagumpay ang kampanya laban sa oligarkiya.

Facebook Comments