Pangulong Duterte, hinihintay na mabigyan ng EUA ang Sinopharm

31

Pinayuhan si Pangulong Rodrigo Duterte na hintaying maisuyhan ng Emergency Use Authorization (EUA) ang COVID-19 vaccine na Sinopharm bago niyang ikonsidera ang pagpapabakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gusto ng Pangulo ang nasabing bakuna pero wala pa itong regulatory approval.


“Well gusto po talaga niya sa Sinopharm pero wala pa po kasing EUA, ‘yun ang dahilan kaya umaayaw ang mga doktor na advisers ng ating Presidente. Antayin na ma-approve ang EUA,” ani Roque.

Bago ito, inanunsyo ng Malacañang na nagpasya na ang Pangulo na magpabakuna sa harap ng publiko para maitaas ang kumpiyansa ng mga tao sa vaccination program.

Sa ngayon, tanging Pfizer, AstraZeneca at Sinovac pa lamang ang nabigyan ng EUA sa bansa.

Facebook Comments