Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pag-atras nito sa pagtakbo sa pagka-senador sa nalalapit na 2022 elections ay daan upang mas lalo pa syang makapag-focus sa nagpapatuloy na COVID-19 response ng pamahalaan.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang pag-backout din ng pangulo ay magandang oportunidad upang mas lalong matiyak ang transparent, impartial, orderly at peaceful elections.
Sinabi pa nito na pagkatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa June 2022, nais na lamang nitong makasama ang kanyang pamilya at magretiro na sa gobyerno.
Nabatid na 4 na dekada na kasi sa public service ang pangulo.
Kanina, matatandaang naghain na si Pangulong Duterte ng statement of withdrawal sa Commission on Elections at hindi na itutuloy ang pagsabak sa eleksyon 2022.