70 libong pulis, nakakalat na ngayon para sa paghahanda sa Semana Santa at summer vacation

Manila, Philippines – Nakakalat na ngayon sa buong bansa ang halos 70 libong mga pulis para magbigay seguridad sa publiko ngayong Semana Santa at sa buong summer vacation.

Ayon kay Police Community Relations Group Public Information Officer Supt. Elmer Cereno, kasama sa idineploy nila ang mga pulis na naka pang sibilyan na ihahalo sa publiko gaya sa mga mall, beach, terminal at maging sa loob mismo ng mga bus.

Siniguro rin ni Cereno na 24 oras tatauhan ang mga police assistance desk na ipinakalat na sa mga matataong lugar.


Binalaan naman ng PCRG ang mga pulis na magbabantay ngayong bakasyon na iwasan ang pagchichismisan o madalas na paggamit ng cellphone habang naka-duty.
Nation”

Facebook Comments